Mahabang Paglalakbay


posted by mace-chan on

No comments

"This life is what you make it. No matter what, you're going to mess up sometimes, it's a universal truth. But the good part is you get to decide how you're going to mess it up.  Just because you fail once, doesn't mean you're gonna fail at everything. Keep trying, hold on, and always, always, always believe in yourself, because if you don't, then who will, sweetie? So keep your head high, keep your chin up, and most importantly, keep smiling, because life's a beautiful thing and there's so much to smile about." 
--Marilyn Monroe

Napakaraming pangyayaring naganap sakin simula nung umalis ako mula sa pinas! Hindi ko na malaman kung pano ko sisimulan.. Mabilisan lang talaga, akala ko hindi ako matutuloy kase ang dami pang ibang kamalasang nangyari..

Simula ngayon tagalog muna yung isusulat ko dito sa blog ko.. Gusto ko lang ang makabasa nito ay puro mga Pinoy.. Medyo madamdamin at mahaba itong ishashare ko.. Mga personal na nangyari sa aking buhay.. 


Grabe naalala ko pa.. Hinatid ako nang mga kapatid ko at nang pinsan ko sa airport... Dun ko pa lang narealized kung tama ba talagang umalis ako.. sure ba ako dun?? Safe ba ako?? Nanguguna yung takot pero nagtatapang tapangan lang ako kase kasama ko ate ko.. Bakit naman kase gora ako nang gora nang hindi ko muna pinag iisipang mabuti..

Dapat may kasama ako aalis. yung isa kong friend... Pero dahil magulo din ang isip nya at hindi pa raw sya ready, ako na lang mag isa ang umalis.. Sobrang kaba ko nung nasa airport ako pero inisip ko na lang saang sulok nang mundo ako magpunta may makikita at mapagtatanungan akong Filipino.. 

Pinipigil ko yung iyak ko nang pumasok na ako sa loob at magpaalam sa ate at bunso kong kapatid...First time ko kase mapahiwalay sa pamilya ko, ako na hindi man lang marunong magluto.. ang alam lang ay maglinis.. "Haay bahala na si BATMAN yun na lang yung nasabi ko".

3 airplane yung sinakyan ko.. 3 connecting lines ticket kase yung binigay sakin nang agency.. From Manila to Riyadh, Then Riyadh to Jeddah.. Jeddah to Sakaka/ Aljawf! Awa nang Diyos hindi ako naligaw at puro mababaet na pilipino yung mga nakatabi at nakausap ko..

Nakailang tissue ata ako..Habang naglalakbay ako pahimpapawid! (Yes! tagalog na tagalog). Paano kase naalala ko yung mga pinagdaanang hirap ko nung nag aapply pa lang ako pa abroad.. pinagdarasal ko na sana okay yung hospital na mapuntahan ko.. yung mga katrabaho okay din sana.. Pati yung bahay na tutuluyan.. HAAAAAYY!! Sa kasamaang palad isa lang yung natupad.. Mababaet yung mga nakasama kong Pinoy dito.. pero yung iba.. talaga namang sablay.. ganun talaga may mga taong hindi pinalad sa pag aabroad.. at isa ako dun.. Di bale at least May nakuha akong trabaho dito na hindi ko kayang sahurin sa pinas.. Besides lahat naman talaga nag uumpisa sa hirap.. Part nang life yan para maging successful!!!~ Magtitiis muna ako dito nag 2 years tapos lilipat ako sa iba!!!~

Baby Camel (kamusta naman yan.. sobrang baby pa pero.. ang lake na!)
P.S Happy TRIP  to Dra. Engy.! Hope to your success and happy life! Mag asawa ka na rin para maging makulay ang buhay mo.. at hindi ka na maging bitter everyday! LOL!

Leave a Reply

READ THIS FOLLOWING FIRST: "COMMENT RULES..."

Please Take Note that posting some advertisements, chain letters and unnecessary messages to this blog are automatically deleted and will not entertained!


And it may takes a few days to reply so be patient..=D

THANK YOU VERY MUCH..(MACE)